Woo. Grabe pagod ko mula Apr. 6 until today April 7. Oha! Ilang araw din akong di nakapag-Update ng blog at plurk ko, harvest ng tanim at bumisita sa Bebo. (: Status kahapon : Masakit ang paa. Ngayon : Bored
Hmm. Parang araw-araw na lang ganito. Hapon na pala no? Nagmeryenda na ba ako? Ay! Di pa pala. Ahaha. Grabe talaga kahapon. Punta kahapon sa school, punta sa BPI morayta, punta sa condo, stay sandali at nagonline, punta dentist, punta Sta. Catalina, sabay uwi na sa bahay. Sa wakas nakapagpahinga rin si paa. Haay. Parang wala naman akong masyadong matopic at makwento. Pero grabe, nakakamiss rin pala ang school. Nung nasa school pa ako. Monday- Friday, delubyo samin ang 10am-11am. Except for Wednesday. Sisigaw na yan lahat. Walang A.P.!!! Walang current events!!! Wala si ma'am ronquillo!!! ahaha. Values kasi namin tuwing wednesday. ~!~ Nanaginip ako kanina bago ako magising, Sumisigaw daw ako sa classroom. "WEDNESDAY NGAYON! WALANG AP!!!" sabay hiyawan daw mga classmates ko. Paggising ko medyo nalungkot ako. Hindi dahil wala na akong isisigaw na ganun. Kasi naalala ko hindi na rin pala ako makakabisita kay Ma'am Ronquillo kasi lilipat na ako ng bahay at school :((. Huling linggo ko na 'to dito sa Manila. Nag-iimpake na nga kami eh. Badtrip pa kahapon, wala yung guidance counselor namin. Di ako nakahingi ng Form 137 at Good Moral. TSK! Ayy ewan. Wala na ako masabi. Ciao muna! ~~munting update lang. hmm. :| Oo nga pala, birthday ng ate ko ngayong 7. Ahaha. Lalabas kami mamaya! CIAO for real!
No comments:
Post a Comment