Online diary :P stories, short post, notes, and a lot of bla-bla-BLoG! I need wider space to write. Punong-puno na ang extra notebooks ko at notebook ko na ginagamit sa school xD. and also update sa buhay ko. Kung humihinga pa ba ako o ibang tao na ba ako. Naging kriminal ba ako o banal. Basta. :)
Thursday, April 1, 2010
Pilipino nga. Tsk Tsk.
Medyo ilang oras din ang lumipas bago masundan yung 2nd post ko kaninang madaling araw. Kasalukuyan akong kumakain ng sitsirya. ahaha. It's Maundy Thursday. Hmm. Grabe. Nagkamali ako kaninang madaling-araw. It's Holy week at nakalimutan ko, naglaro ako ng di kanais-nais na laro. OH NO! :( Grabe, kailangan ko magkumpisal. Huhu. Anyways, grabe ang merienda. It's 3pm kasi kaya merienda na. Kanina ay kumain ako ng sandwich at uminom ng buko. Wala pang 30mins bumili ako ng burger at shake. Pagkatapos bumili na naman ako burger at tigli-limang-pisong gulaman. After ilang minuto, ito kumakain na namn. Ahaha. Kaya tumataba eh. Wala akong magagawa pinoy ako eh, mahilig ako sa pagkain. Ahaha. Nabanggit ko na bumili ako ng burger with gulaman. Habang bumibili ako nun eh may isang butihing matanda na namimigay ng pancit at gulaman sa mga bata. Nababadtrip ako kasi kahit isa sa kanila eh wala man lang nag-thank you. Tapos meron pang nagrereklamo na hindi masarap. ANG KAPAL NG MUKA. Grabe ang pila. Relief goods? Ipinapakita lang talaga nito na ang hirap-hirap na ng bansa natin. Pati magulang ng mga bata ay hindi nahihiya at nagyayaya pa. TSK! Grabe. Talaga bang ganyan ka kawalang kwentang magulan? Gusto kong isigaw yan kanina sa baway nanay na dinala na buong angkan nila para papilahin dun sa namimigay. Inaasa niya lang yung kakainin ng mag-anak niya sa mga butihing tao kahit alam niya naman sa sarili niya na kaya niya naman yung gawin. Hmm. Parang yung nasa libro ni Bob Ong na "Bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino". Yung barbero na nagbibigay ng libreng gupit. Ikukwento ko pa ba? Mahaba eh. Next time na lang. ahaha. Punta naman tayo sa Holy week. Ang ganda ng palabas kanina sa ABS. Yung witnessing the light. Yung isang pare at batang babaeng bulag na nagngangalang Fatima ay nagtour sa Betlehem a.k.a Holy Land. Nakakatuwa yung babae. Nasabi niya sa palabas na "Ayos lang na bulag ako, kaysa naman may paningin ako tapos kung anu-anong di-kanais-nais lang ang makikita ko. Magkakasala pa ako sa Diyos". Tawanan ang lahat. Hmm. Harvest muna ako ng tanim ko sa Farmville. Add me up nga pala. http://www.facebook.com/ChakaPataPon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Must-Watch Movie [2010]
- Alice in wonderland
- Shrek Forever After
- The Last Airbender
No comments:
Post a Comment